Naliligaw sa Sariling Bayan

Ano’t nagising si John sa kanyang pakaidlip?
Mataas ang araw,
Malayo na ang kamay ng orasan
Haay! Umaga na pala.

Muli’y babangon sa higaang gawa ng Sieratone
Maghihilamos at masgsesepilyo ng mga produktong
Gawa ng Procter and Gamble—nobenta porsiyento’y kalakal ng kano.

Uupo sa upuang malambot
Upang kumain ng hotdog and sausage na nanggaling pa sa Amerika.
Pagkatapos ay naliligo na sa bula ng sabon at esponghe mula sa karagatang Amerika.

Mag-aaral ng Matematika at Pisika, aalamin ang kasaysayan ng Pilipinas
Na nasusulat sa Ingles.
‘tang Inang Amerika
Ako yata’y niligaw na.

Malayong malayo na ang kamay ng orasan
Mapula’t mataas na rin ang araw
Baka hinihintay na ako ni John.
Kailangan niyang malaman na sarado ang kanyang mata sa katotohanan.

Katotohanang siya’y kinakasangkapan,
Kasangkapang tuluyang magpaparaya sa mapanghimasok
At mapagsamantalang dayuhan,
Kung ito’y papahintulutang maging katulad ni John
Na naliligaw s asariling bayan.